Top 5 Websites na Pwede kang Kumita for FREE!

Halos lahat ng tao ngayon sa buong mundo ay gumagamit na ng internet. Nagagamit ito sa iba’t ibang mga bagay gaya ng pag research, pakikipag-komunikasyon sa mga kakilala o mga kamag anak na malalayo, Ginagamit rin ang internet sa pag babalita, at pag bibigay ng iba’t ibang impormasyon sa social media. Sa kabuohan napakalaking tulong talaga ang internet sa buhay ng tao, Subalit minsan nman ay nagagamit ito ng sa masamang gawain gaya ng panloloko o pang scam ng mga tao, minsan naman ginagamit ito sa sa maling paninirang puri na nkakasakit sa inosenteng biktima. Kaya sana lang kung gumagamit ka ng internet ay maging responsable ka at sa mabuting gawain at mga bagay mo lang ito gamitin.

College na ako ng nagsimulang matuto mag internet, una ginagamit ko ito sa pakiki pag chat, wala pa nuong FACEBOOK, ang uso pa nuon ay MIRC at FRIENDSTER, heheheh old school nho? Ang laking ginhawa ng internet sakin, lalo na sa mga research at projects sa school. simula nuon diko na nilubayan ang internet. Napakarami kong natutunan at salamat dumating ang teknolohiyang ito saatin. Habang tumatagal nakaka kilala akong mga tao na ginagamit ang internet sa pagkakaroon ng INCOME, kumikita sila na gamit ang internet. Yung iba ng tinignan ko ay parang mga modus lang, parang mga scam lang kako ito na mahirap sumugal dahil kinakailangan ng mga kapital. Pero alam ko na meron naman talagang mga LEGAL na paraan sa pag kita sa internet. Yun nga lang madalas talaga kailangan ng puhunan.

Pero nag research ako kung meron bang mga paraan na pwede kang kumita sa internet ng LIBRE? At nakakatuwang natuklasan ko na OO, Napakarami rin palang paraan para kumita ka sa internet ng LIBRE! Yes tama ang narinig mo, LIBRE, wala kang ilalabas na kahit isang sentimo, pero kikita ka. At narito Ibabahagi ko sainyo ang Top 5 na mga kompanya sa internet na pwede mong puntahan at kumita ng LIBRE.

1) MOBROG Pilippines:

Ang MOBROG ay isang kumpanya na nagbibigay ng additional income sa internet para sa mga tao na sasagot sa kanilang mga surveys. Maari kang kumita simula 30 pesos hangang 180 pesos kada survey na masasagutan mo.Makukuha mo ito ng cash na ittransfer nila sa iyong PayPal account at pwede mo na itransfer sa iyong personal bank account. Libre lang ang pag register sa mobrog, at legal ito. Nakakatuwa kasi inonotify ka nila kung meron ka ng sasagutang survey sa email mo. Mas marami kang matapos na survey, masmalaki ang iyong pwede kitain! A libre lang ito. Subukan mo na ang MOBROG at sigurado ako mag eenjoy ka sa mga survey at sa pwde mong kitain!

2) AIP Online Surveys:

Ang AIP ay isa pang kumpanya na nagbibigay additional income sa mga taong mailig sumagot ng mga surveys. At gaya ng mobrog, ito ay libre rin. May mga surveys sila na tagalog at meron ring english. Sari-sari ang mga topic na ginagawan nila ng surveys, meron para sa mga pagkain, mga gamit sa bahay, mga restaurant at kung ano ano pa. Binigigay nila ang iyong reward sa pamamagitan ng Sodexho Gift Certificate na nagsisimula sa 250 pesos hangang 1000 pesos. Kaya kung ikaw ay naghahanap ng extrang pagkakakitaan ng hindi ka gumgastos, subukan mo ang AIP Online Surveys.

3) TOLUNA.COM:

Isa pang kumpanya na nagbibigay incentives o extrang pagkakakitaan sa pamamagitan ng pag sagot sa mga surveys ay ang TOLUNA.COM Kagaya ng dalawang nauna, isang mapagkakatiwalaan site rin ang toluna. Iba’t ibang surveys rin ang iyong masasagutan at pwede ka rin gumawa ng sarili mong survey sa website nila para malaman mo ang pulso ng community sa toluna. Interactive and website ng toluna kaya matutuwa karin kas para lang itong facebook na pwede kang mag follow o mad add ng bagong kakilala. Pwede kang kumita ng cash o kaya naman gift check at paminsan minsan may mga surveys sila na totoong produkto ang ipapadala sayo para matest mo yung produkto. Maganda rin na subukan mo ang TOLUNA.COM para kumita ka rin ng extra sa internet ng libre.

4) GLOBALTESTMARKET.COM:

Nag bibigay rin ang global test market ng mga surveys ng ibat ibang kumpanya para pasagutan sa mga tao. Mas marami kang msasagutan n tagalog na survey dito dahil madalas ang cliente nila ay mga Filipino business. Subukan mo rin ito para madagdagan pa ang income mo sa internet ng wala kang ginagastos.

5) PANELPLACE.COM:

Ang panel place naman ay isang website na kung saan libre ka ring mag reregister at inonotify ka nila ng ibat ibang website na pwede mong salihan para kumita ka ng libre. Maganda na magregister ka rin dito kasi automatic na kapag may credible na website silang mahanap para sa mga paid online surveys, mag eemail sila sayo para manotify ka na merong bagong website na pwed emong salihan at kumita sa pag sasagot ng mga surveys. Para bang meron kang sariling secretarya o manager na sila na nag hahanap ng mga pwede mong pagkakitaan. Subukan mo rin ang panelplace.com.

Yan ang TOP 5 na mga website na pwede mong puntahan para ikaw ay kumita sa internet ng LIBRE. Pero syempre hindi ka naman talaga kikita sa internet na wala ka lang gagawin, kapalit ng kikitain mo ay ang pagsagot sa mga maiikling surveys na kanilang ibibigay.

Kikita ka sa mga yan, yan ay proven ko na dahil ginagawa ko rin ang mga yan nuon at kahit ngayon. Pero syempre wag ka naman mag expect na napakalaki ang kikitain mo dyan ok? extra extra lang talaga yan. Pero LIBRE.

Pero kung ikaw ay sa tingin mo mas gusto mong malaki ang kitain sa internet, dapat mong maintindihan na kailangan mo rin mamuhunan talaga. Dahil totoo na pwede kang kumita ng malaki at pwedeng umabot ng milyon ang iyong kitain sa internet. Kung gusto mo rin alamin kung paano talaga kumita ng malaki sa internet at willing ka matuto at mamuhunan, >>> CLICK HERE <<<

Sana ay nakatulong saiyo ang article kong ito, at sana ay masubukan mo ang lahat ng nandito. Kung sa tingin mo ay may napulot kang magandang idea dito, Ishare mo rin ito sa iyong mga kabigan at mga kakilala dahil baka sila rin gusto kumita sa internet ng LIBRE. LIKE, SHARE & COMMENT!

Maraming salamat!

Ang inyong kaisa sa pag asenso,

ONLINE ZEST GURU

Add ONLINE ZEST GURU on Facebook

Leave a Reply