Top 5 Business Ideas You Can Start as a Beginner

Lumaki kami sa pamilyang hindi negosyante, Ang aming magigiting at butihing mga magulang ay binuhay kami sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap, pagssakripisyo at pagmamahal saamin. Masasabi kong silang dalawa ay huwarang empleyado na talagang ginagawa at minahal ang kanilang mga trabaho. Tinuruan nila kami ng mabubuting asal, sa kanila namin natutunan ang pagiging magalang at matulungin at may respeto sa lahat ng tao. Dinidisiplina nila kami kapag may mga nagagawa kaming medyo hindi tama at pinapaintindi nila saamin na dapat mabuhay kami ng may dangal at desiplina. Ang lahat ng nangyayari sa amin ngayon ay utang namin sa aming mga magulan, at sobrang nagpapasalamat kami sa kanila. Nakapag tapos kami at ngayon at may kanya kanya nang mga karera sa buhay.

Ng ako ay asa kolehiyo na, nakilala ko ang mga kaklase ko na tila mas higit na nakaka angat ang estado sa buhay, hindi ako naingit sa kung anong meron sila, pero may katanungan sa isip ko..paano nila nakuha o paano sila nagkaroon ng mga bagay na wala kami? Simula nuon ay hindi na naalis sa isipan ko ang tanong na PAANO? Sa mga panahon na magkakasama kami sa kolehiyo, napag tanto ko rin… kaya pala sila may ganoong buhay o LIFESTYLE dahil ang kanilang mga magulang ay may mga negosyo.. Sabi ko sa sarili ko, ano ba ang negosyo at paano ito nkapagbibigay ng mas magandang buhay sa tao?

Doon na ako nag simulang mag research at magbasa tungkol sa negosyo. Ang pinaka una kong libro na nahawakan tungkol sa pagnenegosyo ay isa sa pinaka paborito ko, yung libro na gawa ni ROBERT KIYOSAKI, yung RICH DAD, POOR DAD. Sa librong yun nabuksan ang aking isipan pagdating sa negosyo at usaping pinansyal.. Hangang sa nakahiligan ko na magbasa ng mga libro tungkol sa negosyo at pinansyal.

Unti unti akong sumubok ng negosyo..pero parang diko makuha ang negosyong para saakin. Pero tuloy parin ako sa pag subok kasi alam ko na ang pag nenegosyo..Kaya nagtanong ako, ano ano bang negosyo ang maaring simulan? Ikaw? natanong mo na ba ang sarili mo kung paano mag negosyo? At ano ang magandang negosyong simula? Ituloy mo l ang ang pagbabasa dahil bibigyan kita ng mga idea kung ano-anong negosyo ang maari mong simulan lalo na kung wala ka pang experience sa entrepreneurship.


Narito ang Top 10 na mga negosyo na maari mong gawin lalo na ngayong mga panahon na ito:

1) Blogging Business:

Maraming mga negosyo ngayon ang tumatangap ng mga Bloggers. Sila ang mga taong nagsusulat ng mga articles tungkol sa mga producto o serbisyong binibenta o binibigay ng isang kompanya. Ang blogger ang tagap promote ng mga company nag nagbabayad sakanila para mag sulat ng mga magagandang bagay tungkol sa inoofer ng company. Kung mahilig ka mag sulat at may kaalaman din sa teknolohiyang ginagamit sa sa pag Blog.. Maari mong simulan ang blogging business at kumita kahit nasa bahay ka lamang.

2) Online Product Selling:

Maraming mga online selling sites ang nagbibigay ng serbisyo ng libre. Ito yung mga site na pwede mong gamitin par mabenta mo sa internet ang iyong mga produkto. Napakarami na ang kumikita tlga sa pag bbenta ng mga produkto sa internet gamit itong mga free selling sites. Kaya kung nagbabalak ka ng small business, Mag benta ka online. Dapat mo lang siguraduhin na maayos ang kondisyon ng mga produkto mo at agn pagpapadala mo nito sa mga buyers mo. Halos walang risk ang ganitong negosyo kasi madalas walang cash on delivery option sa pagbabayad. Ibig sabihin makukuha mo na muna yung ayad sayo bago mo isend ang product. Kaya maging maayos ka rin dapat sa iyong pagpapadala ng producto sa client mo.

3) Home Made Cakes and Pastries:

Isa rin itong magandang business na pwede mong simulan kung bago ka lang sa pag nenegosyo. Hindi masyadong mahal ang puhunan, at ang mga recipe naman ay mahahanap mo ng libre sa mga libro at internet. Maraming mga nanay ang ito ang ginagawang business kasi nga nasa bahay lng naman to ginagawa. Ang pag papa order naman ngayon ay pwede na rin gawin sa internet kaya mas napapadali pa ang pag bbenta nito. Kapag may talento ka sa pag bebake tio yung negosyong patokl sayo!

4) Small Coffee Shop at Home:

Kung medyo kaya mo ang maglabas ng sabihin na nating di naman kalakihan pero di rin kaliitan na puhunan, maganda ring idea ang small coffee shop. Kung meron kang maluwag n bakuran o ang bahay mo ay may maluwag na sala o parte ng bahay, maari mo na rin simula ang small coffee shop mo. Pagandahin mo nlng, at aralin ang ag gawa ng simpleng mga kape na hindi naman ganun ka ordinaryo. Ang tao kasi ngayon nahihilig na talaga sa kape, lalo na kung sasabayan mo ng internet.

5) Affiliate Marketing Online Business:

Dahil ang panahon ngayon ay sadyang mabilis na, ang teknolohiya ay sobrang advance na.. At ang internet ay para nang bigas na hindi pwedeng wala sa hapag kainan.. isa sa pinaka magandang negosyo ay ang online business affiliation. O ang Affiliate Marketing Business. Ito kasi ang business na gawa na lahatt ng sistema. Makikipag partner ka nlng sa isang malaking kumpanya, at bbigyan ka ng sariling affiliate links na iyong ipopromote para makapag drive ka ng traffic or viewers mo. Kapag may bumili ng kung ano man ang produkto ng company na affiliated ka, eh kikita ka automatic. Ganun kaganda at kasimple ang affiliate marketing business.. At npakarami na ang yumaman sa ganitong negosyo. Hinding hindi ka mawawalan at mauubusan ng customer kasi halos lahat na ng tao sa buong mundo ay gumagamit na ng internet. Kaya kung nagbabalak ka mag negosyo, Affiliate marketing business ang pinaka inirerekomenda kong simulan mo.

Thank you sa pag basa ng aking blog, Sana ay may nakuha kang tips about sa mga small business na pwede mong simulan. If sa tingin mo ay nakatulong ito sayo, don’t forget to click like and share!

Leave a Reply