Pwede Pala Kumita Sa Internet!



Simula pa noong college days hindi na naalis sa isipan ko ang extra income. 4th year college ako nuon sa isang university sa aming lugar ng ipakilala saamin ng barkada namin ang isang uri ng kitaan. Sobrang bago ito sa aming pandinig kaya marami talaga kaming naging interesado. Nuon ko unang nakilala ang Network Marketing. Dahil nursing ang course namin, wala talagfa kaming kaalam-alam sa larangan ng pagnenegosyo; nagkataon lang na yung friend namin na yun na sio “YOW” ay talagang mahilig na sa mga pagkakakitaan at nagugulat kami sakanya kasi ang dami nyang motorsiklo at sasakyan na pinag tyataka namin, Binibiro pa nga namin sya na “drug lord” hehehe.. Pero ng ipakilala nya saamin ang konsepto ng network marketing o kilala sa tawag na networking, ay talagang nagustuhan ko na ang concept nya. Sa madaling sabi, sumali kami sa team nya.

Ang una kong sinalihan ay mga sapatos ang produkto. Biruin mo ang dami naming lalaki na sumali tapos ang produkto ay sapatos? At may takong pa! Pero di naman yun ang importante, noon kasi para samin ang mahalaga ay yung barkadahan at syempre kumikita habang estudyante. Pero di nagtagal..nag sara yung kumpanya. Hindi naman kami nalugi kasi kumita pa kami, di nga lang ganun ka laki. Hangang sa napadpad naman ako sa mga loading na nag sara din, at mga health supplement na hangang ngayon ay bukas pa at patuloy ang pag lago. Napasama na rin ako sa international company na talagang napaka high-quality ang produkto at sobrang epektibo. Lahgat ng iyon naging experience ko pag dating sa MLM  at pinagpapasalamat ko yun. Salamat sa lahat ng naging kaibigan at mga kapartners ko at mentors sa MLM.

Pero dumating ang oras na na-BURNOUT ako talaga sa MLM, kasi napagod na ako sa kaka-invite ng mga tao, papunta sa opisina para umatend ng mga seminars. Nag sawa na rin ako sa mga pang iindian ng mga iniimbitahan ko at sa mga pang rerejects sa akin. Pero hindi ko maalis sa akin ang concept ng leveraging income. Kaya habang nag pahinga ako sa MLM, Sa pag oonline nabaling ang aking atensyon…hindi para kumita ha, sa FACEBOOK at YOUTUBE! Ubos ang oras ko kaka internet na wala man alng kinikita.

Pero habang nag FB ako, halos araw araw nakikita ko ang advertisement tungkol sa isang dating high-school teacher, ituturo nya daw yung sinasabi nyan online peso machine nya! Di ko naman sya pinapansin, pero araw araw nakikita ko yung picture nya, kaya na-curious ako at nag click sa ads nya… Dun nagsimula ang pagka link ko at ngayon pagkahilig sa internet marketing at affiliate marketing. Natuto ako sakanya nga mga strategies sa internet para ikaw na mismo ang lalapitan ng tao. Hindi mo na kailangan mangulit ng mga kakilala-system mo. At hindi mo na rin kailangan mag follow-up ng paisaisa sa mga prospects mo at ito ang pinaka gusto ko, Hindi na ako nag pepresent sa mga prospects!  Sinunod ko lang ang mga tinuro nya at ng iba pang coaches at yung built in system na ang naging katuwang ko sa online business ko.

Nuong una ay iniimagine ko pa lang na kikita rin ako sa internet kagaya ng coach ko, kaya sobrang tuwa ko ng ako rin ay kumikita na ng 1,000 pesos bawat sale na yung system ang nagbenta para saakin! Nakakagulat at nakakatuwa sya! Kapag inaral mo sya ng mabuti, napaka=simple lang pala talaga nyang gawin.. Kaya sigurado ako na kaya ng kahit sino.

Napatunayan ko na na totoo pala talaga! Posibleng kumita sa internet! Akala ko 1,000 lang, pwede pa pala itong tumaas kaya nagulat ako ng makatangap ako ng 2,000 na commission! Nakaka amaze talaga itong online marketing at affiliate marketing business. Kumita ako ng hindi nangungumbinsi. Yung customer na ang lumalapit! Kaya ngayon sobrang saya ko at nakita ko yung ads nung dating High-school teacher na naging coach ko. Kahit sino talaga kaya itong gawin!

Kaya kung naghahanap ka rin ng pagkakakitaan, subukan mo ang system na gamit ko! Kahit hindi ka Techie, kahit hindi ka magaling..kaya mo ito! Napakarami na ring mga OFW ang gumagamit ng system na ito kahit busy sila sa work, nagagawa pa rin nila ito kasi hindi mo kailangan ang buong araw para magawa ang business mo. Mag comment ka lang ng  “HOW?” o kaya naman i-add mo ako sa aking Facebook account.

Maraming salamat sa iyong pag bigay oras na basahin ang article ko at sana ay natuwa ka sa aking journey. Click like at ishare mo rin ito para malaman rin ng ibang kakilala mo na posible pala talagang kumita sa internet.

Until my next article!


Ron Michael Cabria
online entrepreneur

To know more about the system I’m using:

Leave a Reply