ALAM MO NA BA KUNG SAANG LUGAR ANG PINAKAMAYAMAN? TUKLASIN AT IKAW AY MAGUGULAT!

Una sa lahat, sinulat ko ito ngayong araw ng mga santo. Napaisip lang kasi ako na may halong pagkatuwa, dahil masayang makita na ang mga tao sa seminteryo ay talagang pinaghandaan ang tradisyonal ng pinagdiriwang na araw ng mga kaluluwa at raw ng mga santo. Naaalala ko ng bata pa kami, pag November 1 ay kasanayan ng reunion ng pamilya. Masayang nag lalaro sa simenteryo at nagtatakutan pag dumating na ang alas dose. Pero kanina ng pagbisita namin sa puntod ng lolo at lola namin, bagulat ako at napakarami nang tao! parang pyesta! Halos dika maka galaw sa dami ng tao at abutin ka ng syam syam sa pag papark. Ibang iba ng mga bata pa kami, na halos bilang mo talaga ang mga nitso at malugwag n maluwag ang aming November 1 playground. Ganun na pala karami ang nadagdag sa mga nag resign sa mundong ibabaw. Alam naman natin na lahat tayo ay may end of contract sa mundo, kaya habang tayo ay nabubuhay pa, gawin natin ang lahat ng magaganda at tamang bagay para sa sarili natin, sa pamilya at sa lipunan. Dito ko rin nasabing tama talaga ang kasabihan na TIME IS GOLD, dahil hindi mo na ito maibabalik kahit kelan pa lalo na kung inabutan ka na ng oras.

Habang naglilibot kami ng pamilya ko at lumipat lipat ng simenteryong binisita, bigla kong naalala yung isa kong kaibigan na tinuturing kong Mentor ko rin sa larangan ng negosyo gayun din sa buhay. Isang gabi habang kami ay nag uusap-usap tungkol sa negosyo at nagkakape, bigla syang nagtanong, at lahat kami ay napaisip. Halos maubos na ang aking brain cells sa kakaisip sa isasagot sa kanyang tanong. Kung saan saan na kami nakaabot, kumain na ulit kami hindi ko parin masagot ang kanyang tanong. Alam nyo ba yung pakiramdam na lumipas na ang oras at lumipas na ang usapan pero dimo parin maisip yung sagot sa itinanong sayo at yung parin ang iyong iniisip kahit di na yun ang topic? Nakakainis diba? kaya natapos n yung buong araw at lahat ng business meetings namin hangang malauwi n kami ng kanikanilang bahay; diko parin masagot ang tanong nya. Para akong may bitbit na bagahe sa likod na gusto ko na ibaba pero naka dikit.

Kinabukasan diko na matiis, tinawagan ko yung kaibigan ko at pinilit ko syang sagutin na yung tanong nya! Buti naman at pumayag; pero bago nya ibigay ang sagot, binigyan nya muna ako ng konting life advises na talaga namang kinapulutan ko ng aral. Pagkatapos ay binalikan nya yung sagod sa tanong nya na: ANONG LUGAR ANG PINAKA-MAYAMAN? Oo yan ang kanyang tanong. Yan ang aking pinag isipan ng mabuti na halos malag lag na ang utak ko kakaisip diko makuha ang tamang sagot, at gumamit pa ako ng internet pero mali parin daw ang mga sagot ko! Ikaw? alam mo ba kung saan ang pinaka mayamang lugar?

ETO ANG KANYANG SAGOT SAAKIN!

Ang pinaka mayamang lugar daw sa buong mundo ay ang SIMENTERYO! Sumakit na ang ulo ko sa kakaisip yun lang pala ang isasagot nya! Syempre nung una nawalan ako ng gana at parang walang kwenta naman pala ang tinanung nya saakin na talagang pinag isipan ko ng mabuti, Pero tinanong ko siya, Bakit naman simenteryo ang pinaka-mayamang lugar? Sabi nya sa ka-aaral nya tungkol sa buhay at ka-babasa ng mga libro, may nabasa syang isang libro st dun nya nakuha yung idea; sabi nya sa simenteryo daw ang pinaka mayamang lugar dahil ito yung lugar na kung saan napakaraming pangarap at mithiin ang hindi naisatupad, dito rin naipon ang mga imbensyon na na hindi naipakita, mga libro na hindi naisulat, mga awiting hindi naikanta at mga gamot na hindi manlamang nadiskubre. Bakit naman sabi ko? kasi daw yung mga taong sana ay nagpahayag, nagdiskubre at nagpatupad nito ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob na ilabas ang kanilang kaalaman dahil takot n takot silang gumawa ng unang hakbang para matupad ang kanilang mga pinapangarap.

Ng narinig ko yuon, bigla akong natahimik, bigla kong mas naliwanagan kung bakit nya itinanong iyong saamin. Oo nga, tama nga… kung yung mga taong isinama ang kanilang mga pangarap sa kanilang pinagpahingahan sa simenteryo ay nagkaroon ng lakas ng loob na umpisahan gawin ang lahat para matupad ang pangarap nila, hindi sana’y napakinabangan nila at ng pamilya kung hindi man buong mundo ang mga resulta ng mga pangarap nila. Tinuturuan nya pala talaga ako, na mas maging masipag, mas maging matapang, upang akin pang galingan ang larangan na aking gusto para sa aking mga pangarap. Wag sayangin ang gintong oras. Wag hayaang mawala ang mga pagkakataong maisakatuparan ang mga minimithing pangarap sa buhay. At wag na wag papayag na sabihan ka ng iba na indi mo kaya. Walang imposible, lahat kayang gawin… lakasan mo lamang ang iyong loob at mag pursige, sa huli makukuha mo rin ang iyong mga pangarap.

Sana may napulot kang aral sa aking maikling kwento, at sana ay gamitin mo itong inspirasyon para sa pagkuha mo ng iyong pangarap. Kung sa tingin mo nakatulong ito saiyo, mag comment, mag like at ishare mo ito sa iyong facebook account, para naman matulungan rin nating mas maging inspirado ang lahat ng iyong kaibigan at mga kakilala.

Ang inyong kaisa sa tagumpay at pag asenso,

confidence-success

ONLINE ZEST GURU

Leave a Reply