MGA DAPAT ALAMIN SA PAGSISIMULA NG NEGOSYO.

Sa makabagong panahon hindi ka lang dapat nakaasa sa iisang paraan ng pagkita ng ikabubuhay gaya ng pagiging empleyado. Di na kaila saating mga Pilipino na kapos o minsan naman ay sakto lamang ang ating kinikita sa pamamasukan sa ating mga trabaho. Kung ikaw ay isa sa mga karaniwang mang-gagawa na halos di maisip paano pagkakasyahin ang iyong kinikita para sa pang araw-araw na gastusin ng iyong pamilya, kailangan mo nang mag isip kung paano mo ito madadagdagan. Sa paanong paraan ba ang tanong mo? simple lang, kailangan meron kang NEGOSYO!

Ano ano nga ba ang iyong dapat malaman sa pagsisimula ng negosyo? ituloy mo lang ang pag babasa dahil sa pagkatapos ay magkakaroon ka ng mga idea kung ikaw ay nagbabalak mag negosyo.

    MGA DAPAT ALAMIN SA PAGSISIMULA NG NEGOSYO:

1) DAPAT ALAM MO KUNG BAKIT KA MAG NENEGOSYO:

Marami ang nagsasabi na gusto nila mag negosyo, syempre para kumita ng pera. Totoo nga naman na sa pag nenegosyo, kikita ka talaga ng pera; Pero kung pera lng at kikitain lng ang iyong motibo sa pag nenegosyo, para saakin masyadong mababaw yuon. Kailangan meron kang MALALIM na DAHILAN kung bakit ka mag nenegosyo. Mga dahilang gaya ng pagaahon sa kahirapan ng pamilya, para makatapos ang mga anak mo, para makilala ka sa larangan na alam mo o di naman kaya para makapag bigay ginhawa o serbisyo ka sa kapwa mo. Laliman mo ang iyong dahilan bakit ka mag nenegosyo, dahil kung malalim ang iyong dahilan, lahat ay gagawin mo para mag tagumpay.

2) DAPAT ALAM MO KUNG ANO ANG IYONG INENEGOSYO:

Hindi porket gusto mo mag negosyo eh basta basta ka na lang mag nenegosyo. Lagi nating tatandaan na ang pag nenegosyo ay hindi parang laruan lng na pag ayaw mo na hahayaan mo nlng at itatabi o itatapon. Napaka importante na alamin mo kung ano ang inenegosyo mo. Mas maganda na ang negosyo ay talagang interesado ka, gusto mong alamin at matutunan, at higit sa lahat handa kang gawin ang lahat para ito ay mapaunlad mo. Kinakailangan na mayroon kang plano o tinatawag na BUSINESS PLANS.

Kasama sa iyong dapat pagplanuhan ay ang produkto na iyong inenegosyo. napakaimportante na ang produkto mo ay tatangkilikin ng maraming tao. Alamin kung ito ba ay kailangan ng mga tao sa panahon ngayon. mas maganda kung ang linya ng iyong produkto ay napapanahon ayon sa pangangailangan ng mga tao. Napakaraming mga produkto o linya ng negosyo ang pupwede mong simulan na naangkop sa tinatangkilik ng mga tao sa ngayon. Halimbawa ang mga NATURAL AT EPEKTIBONG HEALTH SUPPLEMENTS, o di kaya mga RTW at mga ACCESORIES, BEAUTY PRODUCTS gaya ng mga pampaputi na talaga namang kinagigiliwan ng halos lahat ng kababaihan maging ilang mga kalalakihan. Maari mo ring subukan ang mga negosyo sa PAGKAIN o mga RESTAURANTS at CAFFE. Kung nais mo namang ang iyong negosyo ay naipapaalam mo sa buong mundo, gamitin mo ang internet at ang mga tinatawag na ONLINE MARKETING BUSINESS na kahit medyo abala ka sa iyong pang araw araw na trabaho ay magagawa mo parin itong patakbuhin. Napakarami pang ibang negosyo ang pwede mo simulan, basta alamin mo kung ang napili mo ay ramdam mo na magbibigay sayo ng tagumpay na iyong hinahangad.

3) MAHALAGANG ALAM MO KUNG SINO ANG IYONG MGA CUSTOMERS:

Kapag alam mo na ang iyong dahilan at kung ano ang iyong sisimulang negosyo, napakahalaga rin na alamin mo ang iyong mga kliyente. sino sino ba ang plano mong bentahan ng iyong produkto o mga serbisyo? Batay sa napili mong simulan na negosyo, mas magiging matagumpay kung alam mo kung sino ang tinatawag na TARGET MARKET. Sa pamamagitan ng tamang pag alam ng iyong target market, mas mapapadali ang iyong pag aalok ng mga produkto o serbisyo ng negosyo mo dahil alam mo na mismo kung sino ang mas tatangkilik ng sa mga ito. Nasa bagong enerasyon na kasi tayo na kung saan hindi na akma ang pagnenegosyo na kung saan para kang namimilit sa tao na bilhin o gamitin ang produkto mo. Kailangan gusto na talaga ng tao ang iyong negosyo na kung saan sila na mismo ang lalapit sayo. Ang pag hahanap ng tamang market ay pwede mong gawin base sa pansariling kakayahan o kung mas gusto mo naman na sumabay sa teknolohiya, gamitin mo ang AUTOMATED MARKETING SYSTEM na kung saan ito na ang maghahanap ng target market mo kahit ikaw ay tulog. Sa pag alam ng iyong tamang market, mas mapapalago mo ang negosyo mo ng mas matalino at mas epektibo.

4) ALAMIN KUNG SAAN ANG LOKASYON NA ANGKOP:

Isa sa mga kritikal na dapat mong alamin ay ang LOKASYON kung saan itatayo ang iyong negosyo. Para mas maintindihan mo ang kahalagahan ng lokasyon ng iyong negosyo, panoorin mo itong maikling video:

Kapag nasa tamang lokasyon ka, mas mapapansin ka ng mga customers, kung lagi kang nakikita mas malaki ang posibilidad na bumili sila sayo. Mas maraming nakakakita at nakaka alam ng negosyo mo, mas marami kang customer at higit sa lahat mas marami kang kita. Kaya pagaralang mabuti ang lokasyon ng pinaplano mong negosyo.

5) ALAMIN KUNG PAANO AT KAILAN SISIMULAN ANG NEGOSYO MO:

Sa pag sisimula ng negosyo, mahalagang alam mo kung paano sisimulan ito. Nakasalalay dito ang kinabukasan ng iyong negosyo. Alamin mo ang mga tamang proceseso, patakaran, legalidad, at mga bagay bagay sa pagpapatakbo ng negosyo. Mas mapapabilis ang takbo ng iyong negosyo kung alam mo ang pasikot-sikot neto. Kung ikaw naman ay baguhan sa pagnenegosyo at talagang wala pang alam kung paano ang pagsisimula, pinapayo ko na simulan mo na mag attend sa mga trainings tungkol sa pagnenegosyo lalong lalo na sa napipili mong negosyong sisimulan. Makakatulong ito dahil ang mga karanasan ng mga taong nauna na sa linya ng negosyo na gusto mo ay magagamit mo at magiging gabay mo na upang mapaunlad ang sisimulan mo. Mas maiiwasan mo na ang mga maling nagawa nila nuong sila ay nagsisimula pa lamang. Kung naman ang iyong Napipiling negosyo o ang negosyo mo ay gusto mo ring gawing online, makakatulong ang mga training tungkol sa ONLINE MARKETING BUSINESS TRAININGS

Lagi nating tatandaan na ang pagaasenso ay nasasaatin lamang. Kailangan mo lang malaman ang mga dapat gawin para ito ay makamit. Kung sa tingin mo ay nakatulong sai ito at maaring makatulong sa mga kakilala mo, mag comment sa comment box at i-like at i-share nyo ang artikulong ito.

Ang inyong kaisa sa pag asenso

ONLINE ZEST GURU

2 Comments

  1. Noemi anne mangubat November 3, 2016
  2. Ron Michael Cabria November 4, 2016

Leave a Reply